Grabeng trapik

MARAMI tayong nakaka-usap na taga-Metro Manila ukol sa trapik.

Alam ba ninyo ang kanilang sinasabi?

Nakaiinis at napakalaki nang problema ang trapik. Kung pupuwede lang sana umanong lumayas sila ay gagawin nila.

oOo

Ano nga ba ang kalagayan sa trapik? Wid or widawt ang mga proyektong imprastraktura ni PNoy, talagang grabe ang trapik.

Isa sa mga malalaking dahilan ang pagdoble o pagtriple ng mga taong  pumapasok sa Metro Manila sa araw dahil sa pag-aaral, trabaho, negosyo at pamamasyal. Karaniwang galing ang mga ito sa Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas at Quezon.

Sa pagdadala ng sasakyan ng mga ito, ano pa ang aasahan kundi trapik?

Ngayon namang nagsisimula nang maghukay ng mga kalsada sina PNoy dahil sa kanilang mga proyektong re-blocking, bagong skyway, terminal, underpass, overpass at iba pa, lalong gagrabe ang trapik.

Sapagkat kung saan-saan na lang manggagaling ang mga dump truck at iba pang malalaking sasakyan na magpapasok ng mga semento, buhangin, graba, bato, bakal, kahoy, coco lumber at iba pa na kailangan para sa mga proyekto.

At kung kinabitan ang mga trak na ito ng “DO NOT DELAY, GOVERNMENT PROJECT”, nakupo, wala nang koding-koding sa mga ito.

oOo

Pero may remedyo naman kung tutuusin, Suki, sa grabeng trapik.

Damihan nila dapat ang mga tulay na lalaktaw sa sangkatutak na mga ilog at sapa sa Metro Manila.

Ipagbawal din dapat ang pagsasara bilang basketbolan at iba pa sa mga kalsadang bayan.

Pupuwedeng pairalin ang krismas lane kahit walang Pasko.

Dapat ding luwagan ang mga pampasaherong sasakyan sa paggamit ng “alternate routes” at pigilan ang mga kotong cop at enforcer sa panghuhuli dahil sa out-of-line.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply