Grace Ibuna kabit ni Iggy Arroyo!

ANO kaya ang epekto kay Garie Concepcion ng biglang pagkabulgar na ang ina n’yang si Grace Ibuna ay common-law wife ng yumaong Congressman na si Iggy Arroyo? Makabawas kaya yon sa enthusiasm n’ya para sa kanyang nagsisimula pa lang na singing career?

Posibleng maging matinding pasanin sa di-pangkaraniwang family background n’ya ang pagiging common-law wife ng ina n’ya? Love child siya ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna nung panahong hiwalay na ang aktor kay Sharon Cuneta pero di pa annulled sa korte at sa simbahan ang kasal nila.

Di magandang pakinggan sa Tagalog ang term na “common-law wife”: kabit, kerida. Ang isa pang termino sa Ingles para sa common-law wife ay “mistress” na, fortunately, ay iniwasan din ng mga diaryo at news programs na gamitin sa pagtukoy sa relasyon nina Grace at ng yumaong congressman.

Sa totoo lang, matagal na naming alam na si Grace ay “girlfriend” ng kapatid ng dating First Gentleman Mike Arroyo na naging kontrobersyal din bilang ang misteryosong negosyanteng si Jose Pidal. (Oo nga pala, ang “girlfriend” ay isa pa ring terminong ginagamit ng ilang manunulat na gustong gawing glamorosa ang pagiging “mistress.”) Isang kamag-anak ni Grace mismo ang nagsabi sa amin mga tatlo o apat na taon na yata ang nakararaan tungkol sa relasyon nito kay Congressman Arroyo. At taga-media rin ang kaibigan namin na yon, pero di n’ya masyadong ipinamamalita na kamag-anak siya ni Grace. Nakalimutan naming itanong sa kamag-anak na yon kung kahit minsan ay naging lehitimong misis na ng kung kanino man si Grace na ang angkan sa San Juan ay prominente rin naman sa larangan ng pulitika.

Walang balita kung gaano katagal na si Grace sa London (kung saan yumao si Congressman Arroyo), pero baka matagal na, dahil parang natigil ang suporta n’ya sa album ni Garie na silang mag-ina yata mismo ang producer. May manager naman si Garie, ang masipag, matiyaga, at maasikasong si Vivian Recio, pero siyempre pa ay kailangan n’ya ang logistics para mai-promote nang lubusan ang album ni Garie.

May ilang showbiz press people na rin naman na nakaharap si Garie sa isang maliit na press conference (kung saan di kami nakumbida). Na-meet namin siya nung dumalo siya sa 2011 Golden Screen Awards for Television, kasama nga ang manager n’yang si Vivian. Mabait naman siya at matiyaga, pati na rin ang manager n’ya na di nangulit sa kanino mang miyembro ng Enpress (na siyang nagkakaloob ng Golden Screen Awards) kung anong oras siya magpi-present ng award.

Marami namang love child(ren) na sikat sa showbiz. Ang ilan sa kanila ay may ina na sa paglaon ay pinakasalang ng mga disente at responsableng lalaki. Love child(ren) sina Gary Estrada, Lovi Poe, Zia Quizon at lahat ng anak ni Dolphy (na wala namang pinakasalan sa mga babaeng minahal at inanakan n’ya). Love child(ren) ang mga anak ni Ramon Revilla Sr. bagama’t ang sabi ni Sen. Bong Revilla ay kasal ang yumao n’yang ina sa matandang Revilla (kaya hindi sila love children). Yung pinatay na si Ramgen Revilla, pati na ang mga kapatid n’yang pinagbibintangan na may kagagawan sa pagpatay sa kanya, ay mga love children lahat. Ang ina nilang si Genelyn Magsaysay ay love child din.

So Garie is in good company in showbiz. Hindi siya kailangang maasiwa. Pagkatapos ng ilang buwan lang naman ay makakalimutan na ng madla na common-law wife ang ina n’ya.

At nandito lang sa bansa si Garie all the time na nasa London ang ina n’ya. Di ba’t magkasama sila ng half-sister n’yang si KC Concepcion sa panonood sa concert ni Katy Perry?

Maswerte nga si Garie na may half-sister siyang gaya ni KC na di naging bantulot na makipag-bonding sa kanya. (Sa ngayon nga, ang ka-bonding naman ni KC ay ang anak ng tatay niya sa dating model na si Jenny Syquia: si Cloie, na di Concepcion ang legal surname kundi Skarne na dahil in-adopt na siya legally ng Swiss diplomat na napangasawa ng ina n’ya).

Sweet and generous ang Pinoy showbiz sa mga love child and, in effect, pati na rin sa mga common-law wife. Ang saya-saya, di ba?

Kaya nga it’s more fun in tthe Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply