Gulo sa Bahrain inaantabayanan ng DFA

NAKAHANDA na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sakaling tumindi pa ang kaguluhan sa Bahrain.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, inihahanda na nila ang ilalatag na contingency plan para sa may tinatayang 45,000 Pilipino na hindi malayong maapektuhan ng nangyayaring protesta sa nasabing bansa.

Ang nasabing bilang ay batay na rin sa mga natatanggap na impormasyon ng DFA mula sa kanilang mga tauhan sa Bahrain.

Bukod dito, nakatanggap din si Del Rosario ng ulat na may namumuo na ethnic war sa South Sudan na posibleng makaapekto sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa naturang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply