Gulong ng Nazareno bumigay: prusisyon di na umusad

HUMINTO ang prusisyon ng Black Nazarene makaraang bumigay ang kanang gulong ng sinasakyan nitong andas at naputol na rin ang lubid na humihila rito.

Nabatid na pinilit na lamang itulak ang karosa habang nasa bahagi ng Roxas Boulevard-Katigbak hanggang maitawid sa Roxas Boulevard-P.Burgos pero huminto na roon.

Binalak sanang ilipat sa truck ang imahe ng Poong Nazareno pero hindi pumayag ang mga mamamasan at iginiit na pipilitin nila itong maiprusisyon sakay ng andas.

Bago ito, una nang natanggal ang turnilyo ng isa sa kanang gulong ng andas at bahagya na itong tumagilid habang papaalis pa lamang sa Quirino Grandstand.

Nahihirapang kumpunihin ang gulong dahil sa rami ng mga taong nais makalapit o makaakyat sa imahe ng Poong Nazareno.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply