Gumagawa ng lapida tumimbuwang sa bala

PATAY ang isang gumagawa ng lapida matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng Revo habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kaninang umaga, Enero 29.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Helmi Repiso, 44, ng 4th Avenue, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-7 ng umaga, naglalakad malapit sa kanilang bahay ang biktima nang hintuan ng maroon na Revo na hindi na nakuha ang plaka bago binaril ng sakay si Repiso.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC kung saan nagsasagawa na na imbestigasyon ang mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply