Gun ban umiiral na sa 2nd district ng Zambales

UMIIRAL na ngayon ang gun ban sa ikalawang distrito ng Zambales kasunod nang nalalapit na pagdaraos ng special elections doon sa susunod buwan.

Matatandaang nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng special elections sa ikalawang distrito ng lalawigan kasunod nang pagkamatay ni Congressman Antonio Diaz noong Agosto ng nakaraang taon.

Batay sa panuntunang ipinatutupad ng Comelec, ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang armas o deadly weapon hanggang umiiral ang gun ban.

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 9304, idaraos ang halalan sa Pebrero 4, 2012.

Ang election period naman sa distrito ay itinakda mula Disyembre 21, 2011 hanggang sa Pebrero 14.

Ang mga interesadong tumakbo sa naturang posisyon ay maaring maghain ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy (COC) mula Enero 16 hanggang 18.

Ang campaign period naman ay itinakda sa Enero Enero 19, 2012 hanggang hatinggabi ng Pebrero 2. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply