Guns, goons and gold sa halalan binabantayan na

PUSPUSAN na ginagawang paghahanda ng pamahalaan para matiyak na magiging mapayapa, tahimik at  maayos na maidaraos ang 2013 election at hindi na papopormahin pa ang guns goons and gold ng mga maimpluwensiyang angkan o mga pulitiko sa mga itinuturing na area of immediate concerns.

Sa isang panayam, inihayag ni PNP chief Nicanor Bartolome na sinimulan na nilang buwagin ang mga miyembro ng private armed groups sa mga lugar na sinasabing kumikilos ang mga ito o kaya ay minamantini ng ilang personalidad.

Ayon kay Bartolome, private armies ang nakikita nilang banta sa eleksyon kaya tuloy-tuloy at mas pinaigting pa nila ang kanilang ginagawang kampanya laban sa mga ito.

Samantala, inihayag naman ni Armed Forces of the Philippines chief of Staff Gen Jesse Dellosa, nais nilang matiyak na hindi muling mag-aarmas ang Moro National Liberation Front (MNLF) at sumawsaw sa kaguluhan matapos ang pananambang kay Cotabato City Vice Mayor Muslimin Sema.

Si Sema na naging chairman ng MNLF ay inambush kamakailan pero nakaligtas at daplis lamang ang tinamong tama ng bala sa katawan.

Bukod dito, positibo ang pananw ng militar na magiging maayos naman ang isinusulong na usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo gaya ng Communist party of the Philippine –New Peoples Army at Moro Islamic Libweratioj Front.

Ito ay dahil sa ginagawang pagsuporta ng mamamayan sa ini-implementang Oplan Bayanihan sa ilalim ng Internal Peace and Security Program ng pamahalaan partikular na sa kanayunan.

Magugunitang sinabi ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na maaaring aabot hanggang sa eleksyon ang banta ng terorismo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply