Guro arestado sa panggagahasa ng 10-anyos

NAARESTO kagabi (Enero 18) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang guro habang nagtuturo sa pinapasukang eskuwelahan kaugnany sa umano’y panggagahasa nito sa kanyang estudyante.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Junjun Sibales, 29, ng Benedicto, Jaro at guro sa subject na Physical Education (P.E) sa Kids Alternative Home and Development Academy Inc., sa Purok 2, Pavia, Iloilo.

Ang pagkakaaresto ng guro ay  matapos  mahuli sa akto minomolestiya ang 10-anyos nitong  estudyante na nasa ika-4 na baitang pa lamang.

Nabatid na humingi ng saklolo ang pamilya ng bata sa NBI maatpos na matuklasan ang ginagawang pangmomolestiya.

Upang makumpirma ay isinailalim naman sa medical examination ang biktima at lumabas sa pagsusuri na positibong may nangyaring pangmomolestiya rito.

Bunsod nito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI kung saan naaresto kagabi  ang suspek sa loob ng kanilang silid-aralan sa may ikatlong palapag ng gusali na kasama pa ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply