Guro na namalo ng estudyante kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN na ng kaso sa piskalya at Ombudsman ang isang guro dahil umano sa pagmamaltrato sa kaniyang estudyante sa Baggao, Cagayan.

Ayon kay Anthon Cruz, special investigator ng Commission on Human Rights (CHR) Region II, hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ng panlalawigang tagausig sa isinampang kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse laban sa gurong si Paul Bartolome.

Bukod pa rito, naghain na rin ang ahensiya ng hiwalay na reklamo o administrative complaint sa tanggapan ng Ombudsman.

Kinasuhan ang guro bunsod umano sa pagpalo nito sa isang bata kung kaya’t dumulog ang tiyahin nito sa himpilan para humingi ng tulong nitong nagdaang taon.

Ayon kay Cruz, lumabas sa kanilang imbestigasyon na positibong minaltrato ang estudyante ng kaniyang guro.

Inamin naman ni Bartolome na nasaktan niya ang bata dahil sa katigasan ng ulo subalit tatlong beses lamang umano niyang pinalo taliwas sa reklamo ng mga magulang na maraming beses.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply