Gusali sa Baclaran nasunog

PASADO alas-2:00 na kaninang madaling-araw nang ideklarang kontrolado na ang sunog na sumiklab pa kagabi sa isang gusali sa Baclaran, Pasay City.

Nabatid na mabilis kumalat ang sunog sa loob ng South Terminal Commercial Center kung kaya nagkumahog ang mga manininda na maisalba ang kanilang mga paninda.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy dahil sa makikitid na daan at mga nakakandadong stalls.

Nabatid pa na sa gitna ng insidente, may ilan na nanamantala at ninakawan pa ang ilang tindahan doon ngunit agad namang nasokote ng barangay pulis ang mahigit 10 na naaktuhang may bitbit na mga gamit galing sa nasusunog na establisyimento.

Tinatayang nasa P5 milyon ang halaga ng mga paninda at ari-ariang naabo. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply