Life imprisonment ikinasa vs carjackers

HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang parusang ipapataw sa carjacker kung makapapatay ng may-ari, driver at nakasakay sa kinarnap niyang sasakyan o kung makasugat ng mga biktima.

Ito ang nilalaman ng House Bill no. 5664 na iniakda ni Rep. Jorge “Bolet” Banal na patawan ng mabigat na parusa ang carnappers upang matugunan ang lumalalang insidente ng carnapping.

“Sinasalantala ng mga kriminal ang umiiral na batas sa ating bansa. Hindi sila natatakot dahil madali silang makapagpiyansa para ituloy ang kanilang modus operandi,” sabi ni Banal.

Binanggit ni Banal ang Section 13 ng Article III ng Constitution na nagsasabing, bago ang conviction, maaari itong magpiyansa, subalit hindi sakop nito ang kasong may hatol na habambuhay na pagkakabilanggo at matibay ang ebidensya.

Dahil nga ang kasong carnapping ay nagreresulta sa physical injuries, rape at kamatayan ng biktima, iminungkahi ni Banal na amiyendahan ang Section 14 ng RA 6539 o ang “Anti-Carnapping Act of 1972.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply