Hamon kay PNOY: RH bill sertipikahang urgent

MABABALEWALA ang anumang pagsisikap ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na mapanatili ang anumang pag-angat ng ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas.

Ayon kay AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones, matutugunan lamang ito kung sesertipikahang “urgent” niPangulong Aquino ang Reproductive Health (RH) bill o ang responsible parenthood measure.

Ipinahayag ito ni Palmones kasunod ng ulat ni Commission on Population (PopCom) executive director Tomas Osias na ang populasyon ng mga Pilipino ay inaasahang aabot sa 97.6 milyon ngayong 2012 mula sa kasalukuyang 95.8 milyon.

Ito aniya ay mangangahulugan ng karagdagang 1.7 milyong sanggol base na rin sa datos ng National Statistics Coordinating Board (NSCB).

Hamon pa ni Palmones na dapat ipakita ni PNnoy ang kanyang ‘political will’ na maturuan ang bawat Pilipino na planuhin ang pamilya kahit umaani ito ng matinding pagbatikos mula sa simbahang katoliko.

“President Aquino must certify as urgent the RH bill before Congress resumes session this January 16. P-Noy’s economic successes and savings since June 2010 will surely be dwarfed by the increasing needs of our growing population,” pahayag ni Palmones.

Nakaaalarma rin ayon sa mambabatas  ang pagtaya ni Osias na maaaring umabot sa 101.2 milyon ang populasyon ng bansa sa 2014.

Sinang-ayunan naman ito ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan sa pagsasabing ang RH bill ay nagtataguyod din sa pagbibigay ng aruga sa mga ina at sanggol at aniya’y obligasyon ng pamahalaan na mabigyan ang publiko ng serbisyong-medikal kayang-kaya ng mga mahihirap.

“Yes we should pass the RH bill because the statistics show that the Philippines will have an increase in population,” ani Ilagan.

Maging ang United Nations (UN) ay nagtaya na ang pandaigdigang populasyon ay aabot sa pitong bilyon at ang Pilipinas ay nasa ika-12 pwesto sa may pinakamalaking populasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply