Hanay ng articles of impeachment muling binago

SA ikalawang pagkakataon ay binago naman ng House prosecution panel ang hanay ng pagkakasunud-sunod ng presentasyon ng articles of impeachment.

Mula sa unang pagkakaayos na article 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7 at 8 ay ginawa itong article 2, 7, 1, 3, 8, 4, 5, 6, at ngayon ay muling binago at magiging article 2, 3, 7, 1, 8, 4, 5 at 6 naman.

Ang muling pagbabago ay agad na binatikos at sinabing abala lamang ng kampo ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay dating justice secretary Serafin Cuevas, ang lead ng defense team, na nalilito na sila sa pabago-bagong pagkakasunod-sunod ng articles of impeachment mula ng magsimula ang paglilitis.

Gayunmana, pinayagan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang naturang pagbabago sa hanay ng walong article of impeachment.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply