Hangin sa Metro Manila bumuti — DENR

AYON sa Department of Environment and Natural Resources, bahagyang bumuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila.

Batay kay DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Chief Maria Victoria Abrera, 32 porsiyento ang ibinuti ng kalidad ng hangin sa Metro Manila noong 2011. Ito ay mas mataas sa target na 30 porsiyento.

Sa datos ng ahensya, umabot sa 112 microgram per cubic meter ang total suspended particulates noong 2010 kumpara sa 126 microgram per cubic meter na naitala noong 2010.

Ang pagbuti ng hangin sa Kalakhang Maynila ay dahil sa patuloy na kampanya ng ahensya kontra sa usok.

Mas lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa usok upang maaabot ang standard level ng total suspended particulate sa hangin na 90 micrograms.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply