Hapon dinukutan ng 4 na bulilit sa Maynila

DISMAYADO ang isang Japanese national sa kanyang pamamasyal sa Pilipinas matapos itong dukutan ng apat na bata sa Ermita, Maynila nang ito ay magpapapalit ng yen sa isang money changer.

Dakong ala-una ng tanghali nang magtungo sa tanggapn ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section ang biktima na si Nori  Toshiyuki, 59, contractor, tubong Japan at pansamantalang nanunuluyan sa R. Rivera Mansion Hotel na matatagpuan sa Mabini St., sa Ermita, Maynila.

Batay sa imbestiagsyon ni SPO1 Arvin Calub, dumating umano ang biktima sa Pilipinas noong Enero 2, 2012 bilang turista.

Kaninang umaga lamang ay nagtungo sa Ermita, Maynila ang biktima upang magpapalit ng 25 lapad (yen) nitong pera na katumbas ng P141,000 sa money changer sa lugar nang buntutan ito ng apat na bata na ang edad ay tinatayang nasa sampu (10) hanggang 12 taong gulang at pilit umano siyang hiningan ng pera.

Hindi naman ito pinansin ni Toshiyuki hanggang sa dinukot umano ng mga bata ang kanyang bulsa kung saan nakalagay ang nakatuping pera ng Japan.

Tinangka pa umanong habulin ng biktima ang mga bata subalit hindi na nito nahabol kaya agad siyang humingi ng tulong sa kaibigan niyang Filipina upang makapagreklamo sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply