Hatol ni Miriam, ibabase sa mga ebidensiya

IBABASE ni Senadora Miriam Defensor- Santiago sa mga ebidensiya ang kanyang magiging hatol sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Tiniyak pa ng senadora na magiging patas siya bilang hukom sa paglilitis kahit malaki ang kanyang utang na loob kay Pangulong Aquino na nag-nominate sa kanya para maging judge sa International Criminal Court (ICC).

Naniniwala rin si Santiago na malaki ang maitutulong ng kanyang karanasan bilang regional trial court judge para sa pagkilatis sa mga ebidensiya ng depensa at prosekusyon.

Samantala, sinabi ng senadora na walang kinalaman sa lokal na politika sa Iloilo ang sermon nito kay House lead prosecutor Rep. Niel Tupas Jr. ng 5th district ng Iloilo kung saan magkalaban sa politika ang pamilya ni Tupas at ang kanyang pinsan na si Iloilo Gov. Arthur Defensor Sr.

Paliwanag ni Santiago, importanteng malaman kung ilan ang inihandang testigo ng prosecution at depensa sa buong impeachment trial para malaman kung hanggang kailan tatagal ang impeachment at ma-schedule kung ilang testigo at ebidensya ang pahaharapin at tatalakayin bawat araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply