HDO ng Sandiganbayan walang kabuluhan

WALA na umanong kabuluhan ang inilbas na Hold Departure Order (HDO) ng Sandiganbayan laban kina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos.

Sinabi ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, na hindi naman umano flight risks ang kaniyang ama at imposibleng makalabas pa ito ng bansa dahil nakakulong sa Southern Police District (SPD) headquarters sa kasong electoral sabotage.

Ayon naman sa mga Arroyo, bale wala na rin umano ang HDO dahil katulad ni Abalos, nakakulong na rin ang dating Pangulo.

Bago ito, binigyan pa ng pagkakataon ng anti-graft court ang mga akusado kaugnay sa kontrobersiyal na national broadband network project scandal, na maghain ng apela sa Office of the Ombudsman.

Magugunita na ang Ombudsman ang naghain ng kasong graft laban kay Ginang Arroyo, mister nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Transportation Secretary Leandro Mendoza at dating Comelec chairman Abalos hinggil sa sinasabing overpricing sa $329-million deal.

Pero sa resolusyon ng Sandiganbayan 4th Division, ipinagpaliban muna nito ang gagawing determination of probable cause sa kaso, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga akusado na maghain ng motions for reconsideration laban sa nasabing desisyon ng Ombudsman.

Iginiit ng anti-graft court na ang paghahain ng nabanggit na mosyon ay upang matiyak na dumaan sa tamang proseso ang isinagawang preliminary investigation ng Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply