Heat uminit sa 2nd half

DINOMINA ng San Antonio Spurs ang first half. Umusok naman ang Miami Heat sa second half.

Kumana si LeBron James ng 33 puntos, 10 assists at limang rebounds upang itaguyod ang Heat sa 120-98 panalo laban sa Spurs kanina sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season.

Angat ng 14 puntos ang Spurs, 63-49 matapos ang second quarter subalit sa third quarter ay lumiyab ang Heat upang agawin ang lamang, 75-88.

“We have a great luxury with three players who can do special things when you need it,” ani Heat coach Erik Spoelstra.

Sa first half halos pambihira ang mga ipinapasok na tira ng Spurs. Kumunekta ang San Antonio ng 12 sa unang 15 tira at makaabante agad ng 52-35, may tatlong minuto pa ang nalalabing oras sa second period.

Sa third canto uminit ng todo ang Heat matapos sumalpak ng 39 puntos laban sa 12 puntos ng Spurs.

“We should be embarrassed,” wika ni Spurs coach Gregg Popovich.

Nag-ambag si Chris Bosh ng 30 points, eight boards at five assists habang 18 puntos ang ginawa ni bench player Mike Miller upang putlin ang three-game losing streak ng Miami.

May 9-4 win-loss karta na ang Heat habang 9-4 din naman ang baraha ng Spurs.

Sa ibang NBA results, nanaig ang Chicago Bulls sa Phoenix Suns, 118-97, habang gumana ang mahika ng Orlando Magic laban sa Charlotte Bobcats, 96-89. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply