HEI handa na sa implementasyon ng K-12

INIHAYAG ni Higher Education Institutions na nakahanda na silang itaguyod ang programang K to 12 program na ipatutupad ng Departmnent of Education.

Sa isang statement, binigyan-diin ng 1,290-miyembrong Catholic Educational Association of the Philippines na handa na ang kanilang grupo at nakikipag-ugnayan na rin sila sa DepEd para matalakay nang husto ang implementasyon ng naturang programa.

Ayon sa grupo, katunayan ay tinalakay nila ito sa National Basic Education Summit on K to 12 noong nakaraang lingo, kung saan dumalo sina Education Secretary Armin Luistro, Undersecretary for Programs and Projects Yolanda Quijano, Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Tonisito Umali at Undersecretary for Finance Francis Varela.

Sinabi naman ni Sec. Luistro  na marami nang HEI ang nagtatataguyod ng aspeto ng naturang programa gaya ng pagkakaroon ng Grade 7.

Ayon pa sa kalihim abot sa 70% ng mga Pinoy ang pabor sa K to 12 program na ang pangunahing layunin ay mapanday nang husto ang talino at talento ng mga estudyante.

Base sa nasabing programa ang mga magtatapos ng senior high school ay maaari nang makakuha ng trabaho dahil ang pinag-aaralan dito ay lubhang kailangan sa international job market.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply