Hepe ng QCPD-DAID dapat nang sibakin (2)

ITULOY natin ang bulok na sistema ng Quezon City Police Dis-trict Anti-Illegal Drugs gaya ng raid na isinagawa nila sa Culiat, QC.

Sa nakarating na impormasyon sa atin, ang 4 na pulis  ay armado umano ng airsoft gun habang ang 7 asset  ay armado naman ng kalibre .45 at .9MM na mga baril. Kaya ayun nabulilyaso ang nasabing raid.

Pinagbabato sila ng mga tao roon at sa katunayan nasira ang kanilang dalawang motorsiklo at isang sasakyan dahil sa mga galit na residente ng Culiat na punong-puno sa pinaggagawa ng mga taga-DAID.

Hindi nagawang makalabas ng compound ang mga duwag na pulis at mga adik na assets kung kaya muli  na naman silang nagpa-rescue sa mga tauhan ng  Special Weapon and Tactics para lang makalabas ng compound.

Tingnan mo nga naman ang mga katarantaduhan ng mga ungas na mga taga-DAID na ito, pag sa kitaan sinosolo nila at kapag nalagay naman sa alanganin ay magtatawag ng kakampi para lang sila i-rescue.

Nakakahiya kayong mga taga DAID, pangalawang beses na kayong nagpaparescue sa mga taga-SWAT noong una ay diyan din sa lugar nayan.

Hindi ba talaga marunong mahiya ang mga taga-DAID na ito at wala na ba talagang iniisip ang mga ito kundi papaano makapangongotong?

Kung talagang determinado ang DAID na makapanghuli ng mga taong sangkot sa droga ay hindi na nila kailangang lumayo pa. Diyan lang sa paligid ng Kampo Karingal ay marami na silang mahuhuling user at pusher dahil talamak ang  droga sa labas lang ng Kampo Karingal.

Chief Inspector Richard Ang,  ang kapal naman ng mukha mo para mamalagi pa diyan sa DAID, yung mga kalokohan na pinaggagawa mo, yung mga  pangongotong ng mga tao mo, imposible namang hindi mo ito alam.

At sana bago mabulgar ang tungkol sa ecstacy na inyong nakuha sa may Morato  Avenue, sana ay mag kusa ka ng umalis bilang hepe ng QCPD-DAID dahil sigurado namang ma-rerelieve ka rin.

QCPD Director Chief Supt. George Regis, bakit ba ayaw ninyong i-relieve ang mga ganitong opisyal na  posibleng magdadawit at humila sa inyo pababa, makinig naman kayo sa mga kaibigang nagmamahal sa inyo dahil hindi ito paninira kundi pagmamalasakit lang sa inyo.

Para sa inyong reklamo at mga suggestion at kumento ay magtext lang sa 0915-5683000  o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply