Hepe ng QCPD-DAID dapat nang sibakin

SA dami ng kapalpakan na nagawa ng District Anti-illegal Drugs (DAID) ng Quezon City Police District (QCPD) ay nakapagtatakang hindi mapalit-palitan ang hepe rito gayung napakaraming magagaling at matitinong opisyal ang nakatambay lang diyan sa Kampo Karingal.

Walang ginawa ang DAID ng QCPD kundi mang-raid nang mang-raid at magdala nang magdala ng kanilang mga nahuli sa loob ng Kampo Karingal pero kapag nag-“cash” undo na makalipas ang ilang minutong pag-uusap ay pakakawalan din lahat.

At kapag wala nang tao sa tanggapan ng DAID ay aalis na naman ang mga tao nitong si Maj. Richard Ang para mang-raid na naman at makapagdala ng kanilang makokotongan.

Ganito nang ganito ang daily routine ng QCPD-DAID pero bakit parang hindi ito nakikita ng command?

Noong nakalipas na ilang araw ay ni-raid ng apat na pulis at pitong asset ng DAID ang isang compound sa may Culiat.

Ayon sa nakarating na impormasyon sa inyong lingkod ang apat na pulis ay armado umano ng airsoft gun habang ang pitong asset ay armado naman ng kalibre .45 at .9MM na mga baril.

O ‘di ba masaya ?

Airsoft ang armas ng mga pulis at baril naman ang sa mga asset.

Kaya ayun nabulilyaso ang nasabing raid. (Iutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply