Hiding in plain sight

ANG patintero sa pagitan ng mga otoridad at drug syndicate ay nasa ganitong lebel na at ni hindi na nagtatago nang malaliman ang mga sindikato kundi harapan at simplihan na lang ang estilo.

Pinakalantaran dito ang huling raid na naganap sa napakayaman na subdivision ng Ayala Alabang. Mismong bahay pa ni Doña Chito Madrigal ang inarkila ng mga sindikatong Chinese upang gawing laboratory ng shabu.

Matagal nang reklamo ng mga otoridad ang patakaran ng high end subdivisions sa Southern Metro Manila na pigilan ang pagpasok ng mga tao o sasakyan na hindi nakarehistro sa kanilang listahan.

Security umano ng mga residente ng “plush subdivisions” na ito ang ginagamit nilang dahilan para huwag basta magpapasok ng mga hindi kilalang tao sa kanilang teritoryo.

Hanga naman ang Free Spits sa kanilang layunin, kaya lang, minsan ang security guards ay parang mas matindi pa sa mga pulis kung makaasta.

Nagreklamo na nga sa Free Spits ang isang taga CIDG ng PNP at isang kaibigan sa PDEA, dahil madalalas umanong nakalulusot ang kanilang hinahabol na suspek dahil maliban sa pinipigilan na pumasok ang mga pulis ng mga sikyu, inaalerto pa ng mga sikyu ang residente ng bahay na pakay ng raid.

Ito ay sa gitna ng katotohanang madalas ay may warrant ang mga otoridad at kaya lang sila pinapapasok ay dahil kumuha sila ng warrant sa korte. Kung wala ang mga warrant na ito, tiyak na hindi raw sila makalulusot sa mga sikyu ng high-end subdivisions.

Karamihan kasi ng security agencies na nagbabantay sa subdivisions tulad ng Ayala Alabang ay pag-aari ng mga dating police at military generals. Kaya malakas ang loob ng mga sikyu dahil matitindi ang mga boss nila. Pero walang sumisigaw na imbestigahan ang security agencies kahit sa simpleng kasong pagharang sa imbestigasyon ng pulisya  o “obstruction of police operation.”

At ang tindi at higpit na ito ng mga sikyu ang ginagamit ng mga kriminal para kontrahin ang pagpupunyagi ng mga pulis natin. Dahil namamaniobra nila ang mga sikyu, sila pa ngayon ang naaabi-suhan kung may nakaaamoy na sa kanilang iligal na

operasyon.

Hindi lang miminsan napasok ng mga otoridad ang Ayala Alabang at ni-raid ang isang bahay dito dahil taguan at pagawaan ng iligal na droga tulad ng shabu at cocaine.

Hindi lang minsan nakatakas ang suspects dahil inalerto sila ng mga sikyu na ang feeling ay nainsulto ng pulis kapag nakapasok ang mga ito sa poder nila na may dalang search o arrest warrant.

Hanggang hindi nabibigyan ng tamang indoktrinasyon ang mga sikyu ng mga mayayamang subdivision na ito, sinisiguro ko sa inyo, patuloy na gagamitin ng mga criminal syndicate ang pagkaarogante ng mga subdivision security guard upang makapagtago ang mga ito “in plain sight!”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply