Higit 30 katao nasaktan sa karambola ng sasakyan

BUNGA ng karerahan umano ng dalawang behikulo, mahigit 30 katao ang nasaktan nang magkarambola ang apat na sasakyan sa Efipanio delos Santos Avenue (Edsa) nitong Linggo ng gabi (Enero 15).

Isinugod sa Quirino Memorial Medical Center (QCMC) at East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong pasa gasgasg at bukol sa ulo at katawan ang mga biktima na pawang hindi nakuha ang mga pangalan.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong alas-11:35 nitong Linggo ng gabi sa northbound ng Edsa at ng Santolan Road sa may gilid ng Camp Crame.

Bago ito, nabatid na humaharurot ng takbo ang isang Nissan Sentra at isang motorsiklo sa Edsa nang biglang mawalan ng kotrol sa manibela ang motorsiklo at sumalpok sa isang pampasaherong bus na may plakang YVP-203 na nakahinto sa nasabing kanto.

Sa lakas naman na pagkasalpok, bumangga naman ang naturang bus sa isa pang pampasaherong bus na may plaka namang PYH-458 na dahilan kaya nasaktan ang kanilang mga pasahero.

Pinasinungalingan naman ng pasahero ng Nissan Sentra na si Alu Aluzan Aran ang ulat at sinabing hindi nakikipagkarera ang kanyag mister sa naturang motosiklo.
“No, we were not racing the motorcycle. It was far ahead of us when it slipped. I didn’t see it until it threw the passengers off the seat and saw the two people in the middle of Edsa facing our car, on our lane,” pahayag ni Alu. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply