Higit 30,000 guro makakakuha ng LET sa Maguindanao

NAGSAGAWA ng registration ang mga kawani ng Professional Regulatory Commission (PRC) upang makakuha ng pagsusulit o Licensure Examination for Teachers (LET) sa darating na Marso 2012 ang mahigit 30,000 guro.

Ang nasabing bilang ay galing umano sa iba’t ibang pampumblikong eskuwelahan sa lalawigan ng Maguindanao.

Sumailalim na rin ang mga ito sa libreng review class noong Disyembre 2011 sa tulong na rin ng provincial government .

Ito ay bilang tulong ng Maguindanao government sa mga guro sa elementarya na walang kakayahang magbayad para sa review at registration upang makakuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) at mga hindi pa board passer.

Nabatid na mismong ang taga-PRC ang nagsadya sa nasabing lalawigan at nagsagawa ng registration upang tiyakin na makakakuha ang mga guro ng LET. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply