Hiling na preliminary hearing ni Corona dinedma

AGAD ibinasura ng Senado ang nais ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na preliminary hearing sa kanyang kaso.

Layunin ng mosyon ng punong mahistrado ay para alamin muna ng senator-judges kung may sapat na basehan para ituloy ang impeachment trial laban sa kanya.

Sa opening statement ng kampo ni Corona, iginiit ni defense lead counsel at dating associate justice Serafin Cuevas na “null and void” ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado dahil hindi aniya nasunod ang tamang proseso para rito.

Partikular na tinukoy ng depensa ang kabiguan ng Kamara na bigyan ng pagkakataon si Corona na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya, bago iniakyat sa Senado.

Ibinasura rin Senado  bilang impeachment court ang kahilingan ng isang abogado na i-cite for contempt ang mga miyembro ng House prosecution panel dahil sa maagang paglalahad ng ilang ebidensiya kaugnay sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa ruling nito, iginiit ni presiding judge Juan Pone Enrile na walang karapatan ang petitioner na si Atty. Fernando Perit na maghain ng nasabing petisyon dahil hindi naman ito party sa kaso.

Magugunitang si Perito ang humiling sa mga senador na parusahan ang mga kongresista dahil labag umano sa batas ang maagang paglalahad ng merito ng kaso sa labas ng hukuman.

Ibinasura ng Senado, bilang impeachment court ang kahilingan ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona para sa isang preliminary hearing sa kaniyang kaso.

Layunin ng mosyon ng punong mahistrado ay para alamin muna ng mga senator-judges kung mayroong sapat na basehan para ituloy ang impeachment trial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply