Hindi bawal ang frozen meat – NMIS

MARIING ipinaliwanag ng National Meat Inspection Service (NMIS) na hindi bawal tinda ang frozen pero ilagay lamang ang mga ito sa tamang lalagyan.

Pinayuhan ni NMIS-NCR Director Eduardo Oblena, ang mga vendor ng mga frozen meat na makipagtulungan sa kanilang ginagawang operasyon, dahil sumusunod lang din sila sa kautusan ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa tamang handling ng mga naturang produkto.

Matatandaang ilang pamilihan na rin ang sinalakay ng mga operatiba ng NMIS dahil sa mga frozen meat na ibinibenta na wala sa tamang lalagyan o mga nakatiwangwang lamang.

Paliwanag ni Oblena, dapat mapanatili ang pag-iingat sa mga karne at dapat itong nakalagay sa display chiller ng mga pamilihan dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasang masira o mabago ang kalidad ng karne.

Maaari kasi itong mapasukan ng bacteria na posibleng magdulot ng pagkalason sa mga mamimili kapag hindi tama ang handling.
Nabatid na karamihan sa mga frozen meat ay baboy, manok, baka at atay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply