Hindi lang si Corona, Senado lilitisin din

AMINADO si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi lang si Justice Secretary Renato Corona ang isasalang sa impeachment trial simula sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Cayetano, lilitisin din ang Senado bilang impeachment court upang malaman kung magiging patas ang senator-judges.

Ipinaliwanag ni Cayetano na kung mapatutunayan ng Senado na impartial ito, maipakikita nito na gumagana ang demokrasya sa bansa.

Binigyang diin ng senador na bagama’t political process ang impeachment trial, hindi dapat mawala sa bawat senador ang pagiging impartial.

Kaugnay nito, tiniyak ng senador na maraming kabataan ang maeenganyong kumuha ng law dahil sa impeachment trial at ang mga nag-aaral naman nito ay magsusumikap na alamin ang ginagawang paglilitis kay Corona.

Kasunod nito, nagsasaliksik naman si Trillanes para sa tatahakin ng tunay na impeachments at ito ay nakatuon sa US version.

Tinukoy ni Trillanes ang references book na may kinalaman sa proseso ng impeachment tulad ng Alexander Hamilton’s Federalist No. 65, Matthew J. Franck’s The Supreme Court and the Politics of Impeachment and Charles Gardner Geyh’s When Courts and Congress Collide: The Struggle for Control of America’s justice System.

Aniya, may kinalaman pa rin kung paano ang pagboto na maituturing na political process ang impeachment trial kay Corona.

Samantala, binigyang diin naman ni Senador Francis Pangilinan na wala pa rin siyang nakikitang paglabag sa rules of procedure on impeachment trial ang prosecution sa pagkokomento at paglalabas ng mga ebidensiya laban kay Corona.

Sa interpretasyon ni Pangilinan silang mga senator-judge lang ang saklaw ng rules.

Kung sa mga judicial proceeding ay pinapayagang magsalita sa media ang mga abogado ng prosecution at depensa, wala itong nakikitang dahilan kung bakit hindi ito maaaring gawin sa political proceeding.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply