Hindi mukhang pera si Pauleen Luna

NAGSALITA na ang mga magulang si Pauleen Luna kaugnay sa mga intrigang ipinupukol sa TV host-actress na  inaakusahang ginagamit lamang si Vic Sotto dahil sa pera.

Ito ay kasunod ng pagkakaugnay ni Pauleen sa co-host na hindi naman itinanggi o inamin ng dalawa.

Ayon sa mommy ng aktres na si Mrs. Chat Luna, pinalaki nila ang anak na masagana at hindi bread winner sa pamilya nila kaya wala raw dahilan para mangailangan ng sobra-sobrang pera si Pauleen.

Katunayan aniya, ang pag-aartista ng anak niya ay para pagbigyan ang gusto nito at pangalawa na lang ang isyu sa kikitain.

Ang lahat aniya na kinikita ni Pauleen ay diretso sa savings nito at ito ang ginamit ng dalaga sa pagpapatayo ng bahay.

Ayon paa sa nanay ni Pauleen, hindi regalo ni Vic Sotto ang ipinapatayong bahay ni Pauleen pero nirerespeto nila ang pagpapakita ng kabaitan ni Vic sa kanilang anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply