Hindi pa kayo laos

SA mga sumusubaybay ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, kahanga-hanga ang kahusayan ng mga senior citizen tulad ni Presiding officer and Senate President Juan Ponce Enrile, Defense Counsel at former Supreme Court Justice Serafin Cuevas.

Bagama’t hindi tumatayo na prosecutor ay siguradong siya pa rin ang sinusunod ng mga prosecutor pagdating sa kaso, si House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Ngunit may mga iba ring senior citizen na hindi naging hadlang ang kanilang edad upang matupad ang kanilang pangarap.

Si John Glenn na American astronaut ay  lumipad  muli  sa space sa edad na 77.

Si Jerry Wehman ng Florida ay umiscor ng perfect 300. Sampung strike sa edad na 81!

Si Margaret Olivia Slocum Sage ay nagtatag ng eskwelahan, ang Russell Sage College for Women sa edad na 88.

Si Corena Leslie ng Arizona ay nag-skydiving pa sa edad na 89.

Si Maude Tull naman ng California ay nakapasa at nakakuha ng kaniyang unang driver’s license sa edad na 91.

Si Senator Storm Thurmond ay nanalo at ibinoto sa kanyang ikawalong Senate term sa U.S. sa edad na 93.

Si Otto Bucher ay naka hole-in-one sa golf sa España sa edad na 99.

Si H.G. Well ay nakakuha ng kaniyang  doctorate degree sa edad na 78.

Si Ichijirou Araya ay umakyat sa Mount Fiji sa edad na 100!

Marahil ay may mga kamag-anak o kaibigan kayo na nawalan na ng pangarap sa buhay dahil sa katandaan. Banggitin ninyo ang mga taong ito at sabihin na “HINDI PA KAYO LAOS!”

May patalastas ngayon ang isang softdrinks na bida ay isang 100 anyos na lolo na bumisita sa kaniyang apo.

Pakinggan  ninyo  ang  kanyang ibinigay na mga payo sa  kaniyang apo tungkol sa buhay:

Maikli lamang ang buhay kaya’t huwag sayangin sa walang kwentang bagay at dapat niyang piliin at gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa kaniya.

Kulang ang ISANG DAANG TAON PARA MAKAPILING MO ANG MAHAL MO SA BUHAY.

Hindi hadlang ang edad sa masaya at aktibong buhay.

Basta alagaan ang kalusugan at ipagdasal ang simpleng pamumuhay. Aabot tayo ng 100 taon!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply