Hiniwalayan ng ka-live-in, pumatay ng 3

PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos pagbabarilin ng lalaking kalive-in ng anak ng namatay matapos magpasya ang babae na makipagkalas na sa suspek sa Taguig City.

Patay kaagad sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa bahagi ng katawan si Flordeliza Rafales, 53, habang naisugod pa sa Taguig Pateros General Hospital ang mga anak na sina Godofredo, 26 at Norberto 22 subalit hindi na rin umabot nang buhay sa nasabing pagamutan.

Malubha naman sanhi ng isang tama ng bala sa mukha si Miraflor Rafales, 20, kaya inilipat siya sa Philippine General Hospital (PGH) mula sa Taguig-Pateros General Hospital habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Mark Capurcos, alyas John-John, ng Magsaysay St., Signal Village, Taguig.

Ayon kay Sr. Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Taguig police, nangyari ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng mga biktima sa Blk. 112 Lot 10, Phase 6 Sitio Imelda, Upper Bicutan.

Hinala ng pulisya na nagtanim ng galit si Capurcos sa pamilya ng kinakasama sa hinalang inudyukan ng ina at kapatid ang babae na tapusin na ang pakikipagrelasyon sa kanya.

Dahil dito, sumugod ang suspek sa bahay ng pamilya ng kinakasama upang makipag-ayos sa kalive-in subalit nang tumanggi ang babae at manindigan na tapusin na ang kanilang relasyon, naglabas na ng baril si Capurcos at pinagbabaril ang pamilya ng biktima, pati na ang kinakasama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply