HL farmers kay Corona; huwag mag-inhibit sa kaso

HINILING ng mga magsasaka sa Supreme Court ang agarang pamamahagi ng lupain sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Kanina ay naghain ng motion to dismiss ang grupong Alyansa ng mga Mangagawang Bukid sa Hacienda Luisita (AMBALA) laban sa motion for reconsideration ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) kaugnay sa naunang land distribution ruling.

Noong November 2011, ipinag-utos ng kataastaasang hukuman ang tuluyang pamamahagi ng tinatayang 4,915-ektaryang lupain na pag-aari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kasabay nito, hinimok ng mga manggagawang-bukid si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na huwag magpadala sa mga panawagan na siya ay mag-inhibit sa kontrobersiyal na kaso.

Sa halip, pinalakas pa ng grupo ang loob ng punong-mahistrado na sumama sa deliberasyon at panindigan ang naunang ruling para sa total land distribution.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply