Honda is back

TULAD ng ibang car manufacturers, naging masungit ang taong 2011 sa Japanese brand na Honda.

Pansamantalang natigil nang ilang linggo ang operasyon ng kompanya noong nakaraang taon dahil sa sakunang naranasan ng Japan at Thailand kung saan matatagpuan ang dalawa sa pinakamalalaking planta ng Honda.

Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Honda rito at nagawa pa nilang maglunsad ng bagong modelo ng isa sa kanilang mga sasakyan. Katunayan, nito lamang Martes ay inilunsad nila ang 2012 version ng Honda City.

Isa sa mga pinakabagong feature ng updated Honda City ay ang Eco–drive function nito na makikita sa dashboard ng sasakyan. Ang Eco-drive Indicator Lamp ay automatic na umiilaw kung ang kasalukuyang itinatakbo ng sasakyan ay nakatitipid sa gasolina o hindi. Ang teknolohiyang ito ay isa lamang sa mga paraan ng Honda sa pagpapalwig ng kanilang kampanya para sa mas malinis na kapaligiran.

Binago rin nila ang disenyo ng bumper at chrome grille ng Honda City, at maging ang mga tail light nito. Nag-install na rin sila ng diffuser sa bumper ng lahat ng modelo.

Gaya ng mga naunang modelo ng 3rd generation ng Honda City, ang paddle shifters ng sasakyan ay nakalagay na sa steering wheel; isang bagong feature naman nito ay ang channel, volume, mode at controls nito para sa sound sytme ng sasakyan ay matatagpuan na rin sa kaliwang bahagi ng manibela.

May mga aircon vents na rin sa ilalim ng front passenger seats upang ang mga pasahero sa likod ay komportable at hindi na mainitan.

Ang 2012 Honda City ay gumagamit na ng lates Honda technology na i-VTEC machine at G-Force controls para sa swabe, matiwasay at ligtas na pagmamaneho. May tatlong tipo ng bagong modelo na maaaring pagpilian: 1.3L S Manual, 1.3L S Automatic, at ang top-of-the-line na 1.5 L E Automatic.

Ang Honda City model ng Honda Motors ay ang pinaka-successful na sasakyan ng Honda sa Pilipinas.

Ang 2nd generation models nito na nilabas noong 2009 ay madalas pa ring nakikita sa mga kalasada ng Metro Manila, patunay na talagang de-kalidad at sulit ang sasakyang ito.

Kung sa Pilipinas ay Euro-2 lamang ang requirement para maipasa ang sasakyan, above average na ang 2012 Honda City dahil sa Euro-4 transmission nito. Ibig sabihin ay eco-friendly talaga ang sasakyang ito.

Sa grand launching nito sa Ayala Tower One noong Martes, sinabi ng Honda Philippines President Tatsuya Natsume na ang paglulunsad nila na ito ng 2012 Honda City ay hudyat na ng “pagbabalik” ng Honda sa pakikikumpitensiya sa merkado. At dagdag rin niya na marami pa raw dapat abangan sa Honda ngayong taong ito. May tapang at prinsipyong sinambit ni Ginoong Natsume na, “Honda is back.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply