Horrorscope

MAG-INGAT sa mga manghuhula. Talagang manghuhula lang ang mga iyan.

Tuwing papasok ang bagong taon, lahat ng hula ay inyong maririnig, mababasa o mapanonood.

Sa aking mga giliw na mambabasa, tunghayan ninyo ang mga hulang ito.

Sa taong ito – ikaw yan – ay bibiyahe ka abroad. Kaya lang, makukulong ka sa Tsina dahil papayag kang maging drug mule ng mga Afrikano. Malamang ay bitay ang iyong sentensiya.

Ikaw naman, magkakatrabaho ka na sa wakas. Kaya lang  ang iyong employer ay hindi ka bibigyan ng suweldo dahil switik ang marami sa kanila.

Hindi bale, idedemanda mo naman ang iyong employer sa Department of Labor and Employment. Kaya lang uli, hihingan ka ng mga fixer ng DOLE at sa malamang, magkakagastos ka lamang.

Nabasa ba ninyo ang isang nagwagi ng isa sa pinakamamahaling kotse sa mundo? Mananalo ka rin ng kotse, air con na, bullet proof pa.

Kaya lang, sapilitang kukunin yan ng mga carnapper o carjacker. Siyempre, lalaban ka pero huwag na lang dahil tiyak na papatayin ka ng mga sindikato.

Magkakaroon ka ng pera sa Valentine’s Day at maibibili mo na ng mamahaling regalo ang iyong sweetheart. Pero sa kalye pa lamang, hoholdapin ka na ng mga pasaway.

Kikita ka rin ngayong 2012 at sasakay ka ng taksi dahil marami ka nang atik. Kaya lang, matatrapik ka sa Guadalupe at bibiktimahin ka ng hamog boys.

Akala ba ninyo ay may ginagawa talaga ang MMDA laban sa hamog boys sa Edsa?

Dahil sa iyong hula na ikaw ay maaaksidente sa lansangan, hindi ka na lalabas ng bahay. Never na talaga.

Kaya lang, may dadaang humaharurot na truck at aararuhin nito ang iyong bahay pati na ang iyong mga kapitbahay. Lagi kasing sira kuno ang preno ng mga driver ng bus, truck, taxi at jeep.

Mananalo ka ng all expenses paid na bakasyon sa Japan o kaya sa Thailand. Kaya lang, pag tinamaan ka ng tsunami, patay kang bata ka.

Ikaw na isang abogado, magkakaroon ka na ng kaso, finally, at sisikat ka dahil magiging private prosecutor ka na.

In short, magiging fixkal ka na.

Kaya lang, pag nakalusot si Corona sa impeachment trial, baka maalala ka niya.

Pag natanggal naman si Corona, jobless ka na uli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply