House prosecution panel handa na sa impeachment

NAKAHANDA na ang House prosecution panel sa pagsisimula ng impeachment trial kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona mamayang hapon.

Ayon kay tagapagsalita ng House prosecution panel, Congressman Sonny Angara, ipiprisinta nila ang kanilang panig sa loob ng 10 minuto na siyang ibinigay ng impeachment court, ngunit inamin niya na hindi sapat ang nabanggit na oras.

Sinabi rin ni Angara na kumpiyansa sila na marami silang ebidensya laban kay Corona at ang pinakamalakas aniya sa mga ito ay ang mga sinasabing tagong yaman at pagkiling kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng punong mahistrado.

Samantala, liban sa 11-man House prosecution panel, dadalo rin sa trial sa Senado mamaya ay sina House Speaker Sonny Belmonte, House Majority Leader Boyet Gonzalez at ilan pang mga kongresista na pumirma sa impeachment laban sa punong mahistrado .

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply