Hoy, Manang Cristy nabibigyan ka lang ng award dahil nangbabraso ka!

PINAGTITRIPAN na naman ni Manang Cristy Fermin itong si Pokwang a kesyo nag-flop ang movie ng komedyanang TV host na A Mother’s Story. Bakit ‘yung pelikula ni Pokwang ang pinagtitripan mo at hindi ang naghihingalo mong mga shows sa TV5 ang atupagin mo? Hindi ba dapat gumawa ka ng paraan para magkaroon naman ng ROI o return of investment sa mga programa mo ang Kapatid network? Hindi ka na nahiya! Puro abono sa inyo si MVP. At saka Manang Cristy proven na naging maganda ang outcome ng project ni Pokie sa TFC. Sa abroad kung saan pinalabas ito sa iba’t ibang parte ng Amerika, kasama na ang ni-release nilang video roon, kumita na ang producer nito na TFC o The Filipino Channel ng milyong dolyares.

Hindi lang ‘yan mag-abang ka this year Manang Cristy, the certified Golden Orocan, dahil hahakot ng parangal si Pokwang sa movie niyang ito mula sa iba’t ibang award giving bodies. Ang galing-galing kaya ng performance niya dito. Di tulad mo, nabibigyan ka lang ng award dahil sa pambabraso mo. Korek gyud!

***

Jandy wedding sa My Binondo Girl matuloy kaya sa dragon finale?

KAHIT masakit ay tinanggap na rin ni Onix (Jolo Revilla) ang pagkabigo niya sa kababatang si Jade (Kim Chiu) na nakatakda ng maging Mrs. Wu kay Mr. Andy Wu (Xian Lim). This week ay magtatapos na ang teleseryeng kinabibilangan ng mga nabanggit, na My Binondo Girl na inyong tinangkilik.

Abangan kung matutuloy ba ang inaabangan ng lahat na Jandy wedding at umabot pa kaya sa kanilang kasal si Papa Chen (Richard Yap) na may malubhang karamdaman sa lungs. At sina Zeny (Ai Ai de las Alas) at Mrs. Jean Sy (Cherry Pie Picache), magkasundo pa kaya sa ending lalo pa’t decided itong mapunta sa kanya ang tini-treasure ni Papa Chen na resto business na Twin Dragons. Kumpleto kaya ang buong pamilya ni Jade kabilang na ang nagtatampong step sister na si Laureen Uy na darating sa nakatakdang kasalan nila ni Andy? O pipigilan ang kasiyahang ito ng isang trahedyang magpapaluha sa lahat? Pakatutukan hanggang sa huli ang kaabang-abang na dragon finale ng My Binondo Girl sa ilalim ng direksiyon nina Malu Sevilla at Francis Xavier Pasion.

Hindi rin malilimutan ang mga karakter dito nina Gina Pareño at Ricardo Cepeda na sakim sa yaman pero bigo rin sa huli. Mapapanood ang My Binondo Girl pagkatapos ng “Budoy” ni Gerald Anderson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply