Hurting si Mega sa hindi na naman pagkakatuloy ng movie nila ni Gabby

IBINALITA ni Sharon Cuneta sa Wil Time Bigtime ng TV5 na hindi matutuloy ang pelikulang gagawin nila ni Gabby Concepcion.

Guest co-host si Mega nu’ng Sabado kung saan ay nanonood si Gabby at nagte-text kay Willie Revillame.

Ramdam na namin na may tampo si Sharon habang sinasabi niya na manganganak daw ang asawa ni Gabo kaya hindi matutuloy ang pagsasamahan nilang pelikula. Ilaan na lang muna raw ni Gabby ang oras niya sa kanyang pamilya.

Natatandaan namin, nagtampo rin noon si Mega kay Aga Muhlach dahil hindi matuluy-tuloy ang movie nila kaya posibleng ganoon din ang nararamdaman niya sa rating asawa.

Sey pa ni Mega, makikipagbati si Gabby gagamitin pa ang cel ni Willie.

Hindi kaya nagpapataas lang ng presyo si Gabby kaya umaayaw sa muling pagsasama nila ni Mega?

Ano sa palagay mo?

-0o0-

NATUTUWA rin kami sa dating dancer ni Willie na si Lovely Abella na ngayon ay co-host na rin ng Wil Time Bigtime. Seryoso kasi sa trabaho si Lovely kaya binigyan ng magandang break ni Willie.

Dati-rati nu’ng dancer pa lang siya, dalawang 500 na tickets ang binibili niya sa amin. Pero ngayong host na siya ng Wil Time… dalawang tigwa-one thou na ang buy niya para sa LOL: Love over Laugh show sa Feb 4 sa Zirkoh, Morato. Asensado na.

Close naman sila ni Sugar Mercado, magkasama sa dressing room at laging magkatabi. Parang mali naman ang intriga na nag-walk out si Sugar at hindi welcome si Lovely nang i-announce na host ng show.

Tinuro pa niya si Sugar na bentahan namin ng dalawang tickets ng Feb. 4 pero ang Sugar tumawad ng isang ticket.

Mapagbigyan lang. Hahahaha!!!

-0o0-

MADALANG mapanood ngayon sina Jose Manalo at Wally Bayola sa Zirkoh, Morato at Klownz dahil may malaki silang concert na pinaghahandaan.

Kaya samantalahin sa Sabado, February 4 ang pre-Valentine at simula ng anniversary show ng Zirkoh, Morato kung saan ay tampok sina Jose at Wally with Knights Band.

Makakasama nila sina Enchong Dee, Valerie Concepcion at Frenchie Dy for the benefit of I.Help Foundation at Child haus. Maaaliw na kayo at mai-in love, makakatulong pa.

“Sa lahat ng broken hearted, sabay-sabay na lang tayo manood nito. Enjoy lang. Bakit mo pa daramdamin ang pagkawala n’ya kung meron namang show na magpapasaya sa iyo,” sey ng fans nina Jose at Wally.

Front acts naman sina Rain Javier, Lemuel Santos with L. S Band and Kenjie Mercado. Ito’y sa direksyon ni Leklek Tumalad.

Para sa ibang detalye tumawag sa 7100352, 09215498931 o SM Tickets 470-2222. Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply