Huwag gawing big joke ang pagkakasakit

MAY ulat na patay na si Negros Congressman Iggy Arroyo.

Naging kontrobersyal si Cong. Iggy dahil sa pag-ako nito ng responsibilidad sa mga kasong kinasasangkutan ng utol niyang si Big Mike.

Inako niya ang Jose Pidal account o deposito ng pera sa bangko na iniakusa kay Big Mike.

Inako rin niya ang pagmamay-ari ng mga kontrobersyal na helikopter na ibinenta umano nang segunda mano ni Big Mike sa pulisya  pero nag-apir na bago.

Yan si Iggy na hindi nang-iiwan, lalo na sa  tao o utol na nalalagay sa alanganin.

oOo

Ispiking op nang-iiwan, sinabi ng iba na tatak ito ni Iggy.

Makaraang umalingasaw ang helikopter iskam, sinabi ng mga kritiko na umiwas-pusoy lang si Iggy.

Nagsakit-sakitan lang at para mabitin ang kaso ni Big Mike sa Ombudsman at sa Sandiganbayan kaugnay ng helikopter iskam.

Sabi pa ng iba, binibiro lang ni Iggy ang nasabing kaso sa pamamagitan ng pagsasakit-sakitan at para  makapagtago na rin kung sakaling makalawit siya sa kaso.

oOo

Heto ngayon, Suki, ang balita na patay na siya makaraang tanggalin ang suporta sa kanyang paghinga.

Totoo pala na may sakit si Iggy at hindi lang nagsasakit-sakitan para makaiwas sa kaso o mabitin ang kaso ng kanyang utol.

Dito natin nakita ang katotohanan na dapat talagang pag-ingatan  nang todo ang kalusugan ng mga nasasangkot sa mga imbestigasyon at kaso.

Ke akusado yan o o nag-aakusa o testigo.

Hayaan nating suriin, gamutin at ipasok sa ospital ng doktor ang nasasangkot sa kaso.

Saka natin bulukin sa kulungan o ipabitay kaya ito kung mapatutunayang nagkasala sa patas na pag-uusig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply