Iba pag magkakasama

“NO MAN is an island.”

Ito ang isa sa mga kauna-unahang quotation na nakabisa ko noong high school. Maiksi kasi. Saka “weird.”

Ang unang reaksyon ko ay: “Siyempre naman; tao nga eh.” Hindi pala dapat na literal na tanggapin ang ibig nitong ipakahulugan.

Hindi lang pala ito maiksi at weird – totoo rin.

Hindi ko na mabilang ang pagkakataong napatunayan kong totoo ngang halos walang magagawa kung nag-iisa lang. Pero kapag may kasama, kahit dagdag na isang tao lamang, ay di hamak na mas marami, mas maganda, mas tama ang magagawa.

‘Ika nga, ang tao ay sosyal. Hindi ‘yung mayaman na magarbong magdamit. Sa Ingles ay, “man is a social animal.”

Kailangan ng tao ang kasama upang mabuhay nang maayos. Naghahanap talaga siya ng kapwa. Hindi niya matatagalan ang mag-isa.

Alam niya siguro na kailangan ang teamwork.

“Talent wins games, but teamwork and intelligence wins championships,” ang sabi ng kinikilalang pinakamahusay na basketbolista sa buong panahon na si Michael Jordan.

Idol ko yata ‘yan kaya naniniwala ako siyento-porsiyento.

Ang iba kasi na sa kanilang paniniwala ay may dakilang talento ay ayaw makipagtulungan dahil kaya naman niya umano gawin ang isang bagay nang nag-iisa.

Maaari, bakit hindi. Kung mahusay talaga e.

Pero, ‘ika nga ni Michael Jordan, pwede siyang manalo ng mga laro, pero hindi niya mahahawakan ang tropeo ng kampeonato.

Ang koponan ang nagka-kampeon, hindi indibiduwal. Ang Chicago Bulls ang nagkamit ng anim na kampeonato sa NBA, hindi si Jordan.

Ang nasungkit niya ay ang MVP award, na hindi rin naman mapapasakanya kung hindi nagpapanalo ang kanyang team.

Kaya’t kung ibig nating maging kampeon, kailangang magtulungan.

Kahit ang isang napakatalentadong tao ay kailangang isumite ang sarili sa kanyang lider o, tulad ni Jordan, sa kanyang coach.

Kung hindi ay matututunan niya ang leksyon ng kasabihang “no man is an island” sa masakit na paraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply