Ibinasurang mosyon idudulog ng depensa sa SC

TILA magtatagal pa ang proseso ng Impeachment Court kay Chief Justice Renato Corona matapos ipahayag ng House Prosecution Panel na nakatakdang maghain ng petisyon ang depensa upang kuwestiyunin ang pagbasura sa dalawa nitong mosyon kahapon (Lunes, Enero 16).

Sa press briefing ngayong araw, sinabi ni Marikina Rep. Federico “Miro” Quimbo na kanilang napag-alaman na nakatakdang maghain ng petisyon ang kampo ni Corona sa Supreme Court upang kuwestiyunin ang pagbasura ng Impeachment Court sa mosyon nito.

Hiniling ng kampo ni Corona sa Impeachment Court na magkaroon muna ng preliminary hearing sa verified complaint na inihain ng Mababang Kapulungan sa Senado upang matukoy kung sinunod ang tamang proseso alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Naghain din ng mosyon ang defense team ni Corona na parusahan ng contempt ang kampo ni Iloilo Rep. Niel Tupas sa hindi napapanahong paglalantad ng mga ebidensiya sa publiko hinggil sa sinasabing tagong-yaman ni Corona nang labas sa Impeachment Court at paglabag sa Rule 18 ng Senado.

“They (defense panel) is just waiting for the written confirmation on the denial of their motion from Senate President (Juan Ponce) Enrile,” ayon kay Quimbo, isa sa spokesman ng House panel.

Kahapon, ipinahiwatig ni Dean Jose Roy III na gagamitin ng depensa ang lahat ng pamamaraang ligal upang protektahan si Corona laban sa hindi makatuwirang desisyon ng Impeachment Court.

Ibinasura rin kahapon ni Enrile, ang tumatayong presiding officer ng Impeachment Court, ang naturang mosyon ng kampo ni Corona sa pagsasabing “alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas na kapag naisampa ang impeachment complaint sa Senado, dapat ituloy kaagad ang paglilitis.”

“We were more inclined not to tell anyone what we are deciding to do. We are only inclined to tell everyone that we will exercise every defense available to protect the chief justice. That is our function,” ayon kay Roy.

Aniya, hindi Masaya ang defense panel sa naging desisyon ni Enrile na nagbasura sa kanilang mosyon kaya’t gagamitin nila ang lahat ng ligal na pamamaraan.

Dagdag pa ni Roy na: “Now as you all know, the option to go to the SC is available whether or not we will exercise that is a different matter. I also wish to draw everyone’s attention to the warning given by the presiding officer regarding all parties to take caution against discussing the case in public.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply