IED sumabog sa Cotabato: 1 sugatan

NASUGATAN ang isang meat vendor makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) malapit sa satellite market sa may Governor Gutierrez Avenue, Brgy. Rosary Heights 9 sa Cotabato City kagabi, Enero 12.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital si Joseph Bacaro makaraang masabugan ng na gawa sa 81mm mortar round.

Nabatid na may narekober din sa blast site na mga pira-pirasong papel na may nakasulat na Bangsamoro Youth Movement.

Gayunman, inamin ng pulisya na hindi pa masabi kung ang grupong ito ang responsable sa mga pagsabog sa lungsod.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply