P2-B pa sa account nina Mike-Iggy giit ni Ping

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na muling buksan ang imbestigasyon sa Jose Pidal account.

Kahit na aniya pumanaw na si Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo, nabubuhay pa rin ang kaso sa kanyang Jose Pidal account.

Nauna nang isinabit ni Lacson si dating First Gentleman Mike Arroyo na may-ari ng  account na may lamang  P300 milyon campaign fund para sa kanyang misis na si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Gayunman, nakaligtas sa imbestigasyon si Mike Arroyo matapos akuin ng bunsong kapatid na si Iggy na siya ang may-ari ng Jose Pidal account.

“Tatapusin muna ‘yung pagdadalamhati ng pamilya, at the right time, bubuksan namin ang imbestigasyon sa Jose Pidal account,” ani Ping.

Ibinunyag din ni Lacson na may iba pang active account sina Mike at Iggy Arroyo na naglalaman ng tig-P2  bilyon pero hindi pa niya mailalabas ang dokumento sa ngayon.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply