Iguodala dinala ang Sixers

LUBOS ang naging kasiyahan ni Philadelphia 76ers forward Andre Iguodala kanina dahil bukod sa kanyang kaarawan ay tinalo nila ang Detroit Pistons, 95-74 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Sa kanyang ika-28 na kaarawan ay naitarak din nito ang pang walong triple-double sa kanyang NBA carrer matapos kumunekta ng tig-10 popints, rebounds at assists.

“‘Dre is such an unselfish guy on offense,” ani Sixers coach Doug Collins. “Sometimes, I have to go to him and say, `I really need you to shoot the ball.”’

Habang naglalaro si Iguodala ay pinanonood siya ng kanyang ina at mga kaibigan kung saan ay umani ng palakpak sa mga manood ng masiguro nilang nakopo nito ang triple-double may 7:34 na lamang ang nalalabi sa huling canto.

“To me, winning is the most important thing,”sabi ni Iguodala.”

“As long as we are continuing to win, that’s most important. Stats are nice and I’m happy to get the triple-double, but I’m most pleased that we got another win.”

Si Sixers bench player Louis Williams ang nag-top scorer na may 17 puntos, apat na assists at tatlong boards habang pumangalawa si Elton Brand na may 14 pts., apat na rebounds at tig tatlong assists at blocks.

Nananatiling nasa tuktok ng Atlantic division ng Eastern Conference ang Sixers na may 14-6 win-loss slate.

Hindi naman naging sapat ang produksyon ni Pistons center Greg Monroe na kumana ng 16 points, 10 boards at dalawang assists.

Samantala, minamalas ang Los Angeles Lakers dahil nabigo ang mga ito sa Milwaukee Bucks, 89-100 habang luhod ang Sacramento Kings sa Utah Jazz, 93-96.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply