Ika-23,000 career point iniskor ni Nowitzki

SINALPAK ni Dallas Mavericks star player Dirk Nowitzki ang ika-23,000 career point kahit hindi siya naglaro ng todo sa laban nila kontra Milwaukee Bucks sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Napupunto na naman ang defending champion Dallas matapos nilang tambakan ang Bucks, 102-76, upang ilista ang pang-apat na sunod na panalo at mapaganda ang kanilang team standing na 7-5 win-loss slate.

“Milestones are going to be great when I look back on my career in 10 or 15 years,” ani Nowtitzki na nasa bench buong fourth period kasama ang ibang starters . “But as of right now, I’m trying to help this team, and franchise, win as many games as I can. We’ve been playing better. That’s all I’m worried about right now.”

Umiskor si Jason Terry ng 17 points, three assists at two rebounds habang si Mavs starter Vince Carter ay may 16 puntos at dalawang assists.
“I was just trying to give our team a little life at the start,” sabi ni Carter. “You have to hit first because we’ve seen teams hit us first and it’s effective.”

Nagtala lamang 11 puntos, limang boards at dalawang assists si Nowitzki.

Si Brandon Jennings naman ang umunat ng maraming punots para sa Bucks matapos magsalpak ng 19 at apat na rebounds habang si Shaun Livingston ay may 15 points.

“They made a lot of shots, they got a big lead and they never looked back,” wika ni Jennings. “We’ve got to get a least one road win. Geez.”
Sa ibang NBA resulta, nanalo ang Chicago Bulls laban sa Boston Celtics, 88-79, habang ginalutan ng New Jersey Nets ang Phoenix Suns, 110-103. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply