Ika-58 murder case isinampa vs Ampatuan

NAGHAIN na rin ng ika -58 murder case ang pamilya ng isa sa mga biktima ng Maguindanao Massacre  laban kina Andal Ampatuan Sr., anak nitong si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at mahigit 100 iba pa sa Department of Justice (DOJ).

Batay sa inihaing complaint-affidavit ni Ma. Reynafe Momay- Castillo sa DOJ, panahon na para isama ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Reynaldo Geneblaza Momay, photojournalist ng Tacurong City-based Midland Review, sa dinidinig na kaso sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Ayon kay Castillo, marami ang maaring tumestigo na kasama ang kanyang ama sa convoy nang maganap ang masaker sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Bagama’t tinanggap ng DOJ ang affidavit ng mga kaanak ni Momay, ay wala pa ring tugon si Justice Secretary Leila de Lima sa inihaing ika-58 kaso kaugnay sa masaker na kinasasangkutan ng pamilya Ampatuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply