Ikatlong araw ng impeachment trial kay Corona nagsimula na

NAGSIMULA na ang ikatlong araw ng impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kung kahapon (Enero 17) ay tila nakapuntos ang kampo ng depensa matapos na tanggihan ng Impeachment Court na ipa-subpoena ang asawa at dalawang anak ng punong mahistrado, sisikapin naman ngayon ng prosekusyon na makabawi.

Kaninang umaga, nakapagdesisyon na ang prosecution sa order of presentation ng articles of impeachment.

Kanilang napagkasunduang unahin ang Article 2 kung saan nakasaad ang pagkabigo ni Corona na isumite ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Sunod naman dito ang Article 1 kung saan nakasaad ang mga akusasyon sa pagiging ‘bias’ umano ng punong mahistrado na laging pabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ikatlo namang tatalakayin ang Article 7 na kumukwestyon naman sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa watch list order ng Department of Justice kay Ginang Arroyo.

Ipinaliwanag naman ni Rep. Neil Tupas, Jr. na kaya ganito ang order ng presentasyon ay dahil mayroon umano silang kuwento na nais iparinig sa publiko.

Aniya, kanila ring ipinabatid sa depensa ang mga nais na talakayin ngayong araw.

Sinabi rin ni Tupas, na ito muna ang order of presentation na kanilang napagkasunduan at pag-aaralan pa kung ano ang isusunod sa Article 7.

Ihaharap rin ng prosecution ang 13 testigo.

Ayon sa tagapagsalita ng Impeachment Court na si Maria Valentina Cruz, kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena kahapon (Martes, Enero 17) at inaasahang tetestigo ngayon ay ang Clerk of Court ng SC kaugnay sa SALN ni Corona.

Ipina-subpoena rin ang ilang opisyal ng Register of Deeds (RD) at City Assessors na maaaring matanong ukol sa mga sinasabing ari-arian ng Punong Mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply