Ikatlong testigo isinalang sa Impeachment Court

KASALUKUYANG humaharap sa Impeachment Court ang Register of Deeds ng Taguig City.

Ito ay dahil ang Belaggio Condominium ay nasa The Fort, Taguig City, isa sa mga ari-arian na pilit na sinasabi ng prosekusyon na pag-aari diumano ng Chief Justice Renato Corona.

Si Atty. Randy Rutaquio ay nagsabing isinubpina siya upang dalhin sa Impeachment Court ang dokumento ng CCT No. 5582 na nakapangalan kay Cristina Corona, ang may-bahay ng punong mahistrado.

Si Cavite Rep. Elpidio Barzaga na siyang nakatalaga upang magdepensa sa Article 2 ang gumisa kay Rosario.

Dumating din sa Impeachment Court Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na nauna ng isinubpina upang tumestigo sa korte.

Sa isang press conference, sinabi ni Henares na hindi pa niya dala ang mga dokumentong hinihingi ng Impeachment Court batay sa nakasaad sa tinanggap niyang subpina.

Subalit kaniya na umanong inatasan ang mga tauhan niya na ipunin ang mga kinakailangang dokumento na magmumula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply