Ilang deboto nasugatan sa prusisyon ng Nazareno

ILAN na ang nasugatan sa pagsisimula pa lamang ng pagsama ng mga deboto sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ito’y makaraang may nagkatulakan at nagkasakitan hindi pa man tuluyang nakakaalis ng Quirino Grandstand ang imahe ng Black Nazarene.

Nabatid na nagsiksikan at nagtulakan dahil sa dami ng gustong makaakyat sa karosa ng Poon na nagresulta ng pagkabali at pagkasugat sa paa ng ilang mga deboto.

Napayapa naman ang mga deboto habang patuloy ang mabagal na pag-usad ng prusisyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply