Ilang lugar sa MM mawawalan ng kuryente

MAWAWALAN ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila ngayong araw, Enero 31, hanggang bukas bunsod ng pag-aayos ng ilang linya at pagpapalit ng ilang sirang poste sa kahabaan ng Xavierville Avenue sa Barangay Loyola Heights .

Sa Quezon City, mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Old Balara simula mamayang alas 11:00 ng gabi hanggang alas 11:30 ng gabi at alas 6:30 ng umaga bukas hanggang alas 7:00 ng umaga.

Makararanas din ng kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Diliman, mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 7:00 ng umaga kinabukasan.

Apektado naman ang Loyola Heights at Kamias simula alas 11:30 ng gabi hanggang alas 12:00 ng madaling-araw at alas 4:00 hanggang alas 4:30 ng umaga bukas.

May anim na oras namang mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Marikina mula alas 11:30 ng gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply