Bagong testigo vs Corona ilalantad sa Martes

TINIYAK ng House prosecution panel na may panibago silang testigo upang patunayan ang sinasabing ill-gotten wealth na siyang dudurog sa kredibilidad ni Chief Justice Renato Corona sa ginaganp na impeachment trial.

Sa panayam, sinabi ni panel spokesman Marikina Federico Quimbo na may ilang testigo pang ilalantad ang prosecution sa pagbubukas ng impeachment trial sa Martes (Enero 24) hinggil sa kabuuang halaga ng mga ari-arian ni Corona na malayo ang kanyang kinita simula nang pumasok sa gobyerno noong 1992.

“Based on his SALNs from 1992 to 2002 as presented by our witness from the Office of the President, his overall assets from 1992 to 2002 hardly moved. But when he joined the Supreme Court, his assets of P7.5 million in 2003 practically tripled to P22 million after nine years,” ayon kay Quimbo.

Noong nakaraang Huwebes (Enero 19), poinatunayan ni Atty. Randy Rutaquio, registrar of deeds sa Taguig City na mayroong dalawang ari-arian si Corona sa kanyang pangalan at asawa nito na hindi sumasalamin ang halaga sa ideneklarang SALN.

“These are very damning evidence insofar as the degree of honesty and integrity of the Chief Justice is concerned,” giit ni Quimbo.

“SALN is a matter that is placed under oath and we will show later as far as this properties are concerned… makikita natin ‘yung talagang mabibigat na ebidensya laban kay Chief Justice Corona,” dagdag niya.

Tinukoy pa ni Quimbo na may isang hiwalay na ari-arian si Corona, isang lote sa Mckinley Hill sa Taguig City na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ng kanyang manugang na si Charina.

Sa kanyang 2010 SALN, sinabi ni Corona na mayroon siyang dalawang condominium units sa Taguig City, isa na nagkakahalagang P2.37 milyon at P6.8 milyon naman ang isa pa.

Ngunit, inihayag naman ni Rutaquio sa kanyang testimonya na base sa deed of absolute sale sa 303.5 square meter condominium unit na may tatlong parking lots sa Bellagio Tower na nagkakahalagang P14.5 milyon.

Pinatunayan din ng testigo sa deed of sale sa isang condo unit sa Bonifacio Ridge na nagkahalagang P9.1 milyon na nilagdaan ang dokumento noong Oktubre 14, 2005, pero ideklara lamang ni Corona nitong 2010 sa kanyang SALN. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply