Illegal terminal at colorum gatasan ng pulis at barangay

ANG illegal terminal sa Parañaque, partikular ang nasa BF Homes Parañaque, ay ginagawang ‘milking cow’ ng ‘buwaya’ na namamahala sa nasabing terminal.

Ang siste pa rito, ‘yung mga van na bumibiyahe sa illegal terminal dito ay  halos lahat mga kolorum.

Ang balita ko, isang nagngangalang Bobby Macahilig ang siyang may-ari ng mga colorum na bumibiyaheng van (sa apelyido pa lang na Macahilig ay mahirap nang pagkatiwalaan).

Hehehe.

Halos lahat ng mga driver nitong si Macahilig ay puro raw abusado kaya kawawa naman ang mga pasahero kapag nadisgrasya.

Ang ruta ng mga colorum na bumibiyaheng van ni Macahilig ay Sucat-Ayala.

Maging ang mga barangay sa BF Parañaque ay tumatanggap daw  ng ‘lagay’ kaya kahit sagabal sa barangay ang illegal terminal ni Macahilig ay dedma lang ang mga ito.

Ikaw na ang magkaroon ng linggo-linggong ‘lagay’, ewan ko lang kung mabuwag mo pa ang illegal terminal.

Aba’y pati yata ang hepe ng Traffic Police ay naka-payroll kay Macahilig kaya ‘no talk’ ang mama. Maging si Mayor Jun Bernabe ng Parañaque ay kapuna-puna sa pananahimik nito sa illegal terminal ni Macahilig.

TONG-COLLECTION SA BULACAN GRABE

Isang alyas Erick Cook na umano’y nagpapakilalang  bagman/collector ni Col. Marcos Rivero ang nagkukunsinti sa naglipanang mga iligal sa buong Bulacan  lalo na sa  San Jose del Monte City.

Imbes na ipatigil ni Cook ang mga iligal na sugalan gaya ng sakla, perya, tupada, lotteng, bookies at iba pa sa Bulacan ay kinukunsinti pa nito sa pamamagitan ng panghihingi ng kotong sa mga iligalista.

May blessing nga ba kayo rito, Col. Rivero?

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya i-email sa juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply